Kapag nasabihan ka...

wag ka ng umangal pa.
masasaktan ka lang eh.
huwag mo nang ipagpilitan pa, hindi ka rin naman mananalo.
lalo na sa tao'ng yan na hindi rin magawang patalo, parehas lang kayo'ng magsasayangan ng laway.

mabuti pa't iyo na lang pakinggan!

Monday, April 26, 2010

Bakit kaya "sila" dumadami?...

Kakagulat!
Sobrang hindi ko inaasahan.
Pero ekspekted ko na rin kahit konti.

May kaklase ako nung college na hindi ko na sasabihin kung anung pangalan. Kakahiya eh.
Atska baka pati binabasa niya eto!! (Takot??)

Noon parang alam ko na na "out" siya pero siguro nahihiya lang kaming sabihin kasi baka maoffend siya. Naisip ko lang na i-blog siya kasi nakakatuwa kung iisipin mo.

Hindi naman kasi sila nanganganak pero dumadami, ano kaya ang dahilan nito, sabi daw sa pagaaral dulot daw yan ng environment na ating ginagalawan, sabi naman sa social sciences dahil daw ito sa society na kinamulatan natin. Kung anu pa man yun.. bahala na lang kayo mag isip kung bakit at paano.

Eto nga'ng kaibigan ko, nagtext siya sa akin isang gabi.. wala lang kwentu-kwentuhan lang. Tapos nag-reply siya dun sa last text ko na "kung malaman mo na may partner na ako. sa tingin mo?" basta parang ganoon, pero hindi, pero iyu't iyon din ang tinutukoy. Sabi ko "bakit naman? e di congrats!" diba ang layo ng sagot.. hehe. Tapos sabi niya "paano kung sabihin ko sayo'ng lalaki siya. Magbabago ba tingin mo sa akin??" siyempre ako may kaunting gulat pero sabi ko "hindi. bakit naman?" nagulat lang naman ako. Hindi ko naman siya agad nai-judge. Kayo, malilikot ang isip. So yun, sinabi niya sa akin ung pangalan ng boyfriend niya, i-search ko daw sa facebook. Kinabukasan, sinearch nga ng mokong, nakita ko... M*****J*** T****L (ayaw ko din sabihin pangalan ng bf niya, for protection at privacy na rin) Pagka-kita ko, wow! Guwapo! Hindi mo rin aakalain na "out" siya.

Tapos ka-chat ko yung clasmate kong yun kani-kanina lang eto pa nga o...


Natutuwa naman ako at nagtitiwala talaga siya sa akin. Ako naman medyo pressured na hindi ipagsabi.. kita niyo naman may mga takip yan ng pula.

Eto lang ang masasabi ko:

Kahit anu pa man, it is not right putting labels into one another. 
At sana huwag tayo'ng manghusga sa kapwa.. basta ako, tanggap ko ang kaibigan ko. Nakakagulat lang pero nevertheless masaya ako para sa kanila.

Parang wala naman napuntahan etong post na eto!!

1 comment:

  1. "Eto nga'ng kaibigan ko, nagtext siya sa akin isang gabi.. wala lang kwentu-kwentuhan lang. Tapos nag-reply siya dun sa last text ko na 'kung malaman mo na may partner na ako. sa tingin mo?'"

    --parang naguluhan ako dito ah, un ung sabi niya dun sa reply niya hindi ko un sinabi!!
    explain!

    ReplyDelete

bahala na kau...