Ang INIT!
Kakaasar.
Buwisit ang mga jeepney na yan!!
Ito ang naging problema ko ngayon'g araw na ito.
Ang mga jeepney driver na nag-strike dito sa may parte namin sa Cabuyao.
"I have to cut trips. THREE TIMES..." yan ang naging sagot ko sa TeleTech nung tinanong ako kung bakit ako na-late. Pirmahan pa man din yun ng kontrata ko for employment. Buti na lang mabait si Maam Sarah at hindi na ako dinakdakan pa. Si Maam Sarah ay isa sa mga HR Staff sa TeleTech maganda. Magaling magsalita. Mabait.
Hindi mo nga mapapansin yung kapansanan niya dahil binawi niyang lahat ng kakulangan niya sa kagandahan pa lang. Hindi pa siya niyan nag-sasalita at kung makinig mo, naku, laglag ang kung anu man ang malalaglag sa iyo. Sa akin, 'yung bag ko, nagulat ako noong tinawag niya ako eh. Napawi niya ang bagot at asar ko sa sinasabi ko'ng strike ng jeep.
Biruin mo, mula dito sa Banay-Banay, nag-tricycle ako papuntang Cabuyao. 15. Mahal. Kung sa jeep, hanggang Robinson's Place na 'yun. Pero hindi eh. Buwisit talaga!
'Pag dating ko ng Cabuyao, antagal ko'ng naghintay ng tricycle ulet na masasakyan.
Punuan.
Siksikan.
Hindi makasingit kahit na ang bag ko.
"Boss, Complex?"
Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko.
Habal-habal pala.
Pinatulan ko na kesa naman sa ako'y ma-late pa.
Hindi ako matahimik sa sinakyan ko. Animo'y anumang oras ay may hihila sa akin at ihuhulog ako. Dalawa kaming sakay ng nasabing motor. Hindi ko naman mayakap sa bewang para humawak, nang maiwasan ko ang mabalian ng vertebrae. Lalaki kasi si Bossing eh. Dyahe.
Complex.
Sa wakas may jeep na. Taguan pa ang drama ng mga jeepney driver doon at iniiwasan na makita ng mga kapwa drayber. Baka daw isumbong. Tae mo, malutong!
Kung alam ko lang, sinasamantala lang niya kasi wala'ng masyadong kakompentensya ngayon.
Hindi ko rin maintindihan ang konsepto ng mga rally na yan.
Ano ba ang napapala nila sa kasisigaw at kakapukpok sa mga railings ng daan?
Tumitigas ba ang ice cap sa North Pole sa bawat salitang kanilang buong lakas na pinagsisigawan?
Nadadagdagan ba ang allowance ng mga estudyante sa mga kalampagan ng kaldero at sandok na kanilang pinaghahampasan?
Tumatangos ba ang iyong ilong sa bawat hakbang at takbon'g iyong pilit na tinatahak?
Meron akon'g nabasa mula sa "PAGSIBOL". Ito yung literary book ng mga estudyante sa pinag-aralan ko'ng unibersidad.
Hindi ko na madyadong maalala ang eksakto'ng nakasaad.
"...kung ako sa kanila uuwi na lang ako at magtatanim ng lettuce, carrots at ampalaya. Sisingitan ko pa ng marijuana sa pagitan. Ang punto ko, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapaunlad ang sarili at hindi umasa sa kung anuman ang isubo sa akin ng gobyerno..."
Tamaaa! Sabi nga ni Kris Aquino.
'Yung mga tao'ng naabala dahil sa pagrarally-rally'ng yan kadalasa'y mga working individuals. Ang oras na inabala mo sa kanila ay sapat na oras na upang makumpleto nila ang assigned work nila, makipag-meet sa clients, tapusin ang naudlot na pagpa-process, pumirma ng documents na kagabi pa hinihintay ng customer, mamalengke ng ipang-babaon ng anak kinabukasan at, wag na tayon'g lumayo pa, simple lang upang MAKAPAGTRABAHO ng maayos. Natapos na sana nila, nakadagdag na sana yung mga kikitain nila sa araw na yun sa kaban ng bayan. Pero hindi, ayun kayo at tumitingala, pawis na pawis, banat ang litid sa leeg para saan? Sa wala.
Sa tingin niyo ba pakikinggan kayo ng mga ulupong na yan?
Kung talaga'ng pakikinggan nila kayo, hindi niyo na kailangang mag-welga pa! May tainga kasi sila.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang mga taong nagsasagawa nito, ang sa akin lang, konsiderasyon na lang din sa mga taon'g naaabala ninyo.
"..wala lang!"
Search Amazon.com for Pinoy Comedy

