Kapag nasabihan ka...

wag ka ng umangal pa.
masasaktan ka lang eh.
huwag mo nang ipagpilitan pa, hindi ka rin naman mananalo.
lalo na sa tao'ng yan na hindi rin magawang patalo, parehas lang kayo'ng magsasayangan ng laway.

mabuti pa't iyo na lang pakinggan!

Sunday, April 25, 2010

Sabi ko na eh. . .


Kasisimula ko pa lang magpost ng blog madami na agad akong problema.
Pero, hindi naman tungkol dito...
Nangangamba lang ako kasi baka hindi ako matanggap sa pinagaapplyan kong trabaho at nangangamba ako na baka iba yung matawagan nilang number at hindi yung ginagamit ko sa ngayon!
Sa TeleTech Sta. Rosa nga pala ako nagapply.
Para sa lahat ng gustong mag-apply dun. Subukan niyo!
Masaya ang mga assessments, mag-eenjoy kayo'ng magtake.
Ganito kasi 'yun:

  1. Siyempre maglo-log ka sa log book (malamang...) ng kompanya.Makikilala mo dun si Mommy (Nanay kapag tapos na ang shift ng mga agents...), medyo masungit siya sa una pero sa totoo lang mabait talaga siya. Nakakatuwa nga eh, nakikipagbiruan siya sa mga agents na andun. At, nga pala, kung hindi kau sanay na makakita ng mga babaeng harok sa sigarilyo, ihanda niyo ang mga sarili niyo na huwag bumaba ang tingin niyo sa kanila, kasi ung kasama ko, hindi maka-move on sa mga nakikita niyang mga kababaihan na magaganda daw sana kaso lang daig pa siya kung mag-yosi.
  2. (Grabe... haba ng step 1, puro kuento lang!) Dapat nandun kayo before 8 (wala lang.. para makita niyo yung lobby ng kompanya) Anlambot ng mga unan at upuan. Doon kau makakakita ng mga upuang hugis ice cream cone na kinagatan na ang puwitan at natunaw na ang ice cream. Step 2. . . Pagka-akyat niyo, para sa mga fresh applicants, ibibigay ninyo ang inyong resume sa front desk at hintayin na tawagin for preliminary interview (dont worry, walang bumabagsak dun).
  3. Tapos, pag natawag na kau, papaharapin kau sa computer at ifi-fill up niyo ung mga andun na kelangan i-fill up. Personal Information naman un kaya wag kaung magalala. (Pero merong iba na dun pa lang nag-quiquit na!)
  4. After, yan na. . . . Sangkatutak na assessments na tapos maghihintay kau ng result nung mga inexam niyo. Eto lang ung mga natatandaan kong uri ng exam dun eh; Voice Assessment, Computer Skills Assessment, Service Simulation, tapos marami pang iba. Maghanda kayong mapunit ang pantog kaya ang payo ko, umihi na muna bago pa man tawagin.
  5. . . . maghihintay kau ng results ng exam niyo. Kapag bumagsak ka sa isa man sa mga assessments, dont worry nagbibigay naman sila ng second chance. Ako, nagre-take ako ng Voice. (share lang!)
  6. Final Interview (dug dug... dug dug...)
  7. Medical (kakatawa dito para akong rireypin nung doktor, pinag hubo ako tapos pinatuwad at pinabuka yung pisngi ng puwit ko. . . tapos umiri daw ako. hehehe.. ^^,)
  8. hmmm... wala pa eh... hinihintay ko pa rin kasi ung tawag nila for job offer.
  9. Hanggang dun lang
 
 Sana natulungan ko kau kahit konti. . .
Subukan niyo!

No comments:

Post a Comment

bahala na kau...