Kapag nasabihan ka...

wag ka ng umangal pa.
masasaktan ka lang eh.
huwag mo nang ipagpilitan pa, hindi ka rin naman mananalo.
lalo na sa tao'ng yan na hindi rin magawang patalo, parehas lang kayo'ng magsasayangan ng laway.

mabuti pa't iyo na lang pakinggan!

Monday, May 17, 2010

Hueyb Eyteen

minsan mainit, minsan malamig ano nga ba ang nais ipahiwatig sa atin ng mundo'ng atat na atat ng magbago? Subukan mo kaya'ng maghintay??



Eto ang mga kasama ko sa pagtt-training ko sa call center kong pinapasukan. 

Wala naman masiyado. Makulet din sila, masaya ako sa napili ko'ng pasukin kahit na palagiang puyat at duguan sa kaiingles. 

Ipagpaumanhin ninyo kung hindi man ako masiyado makapag-post sa ngayon ng mga matitinong blog (meron ba?) sa kadahilanang ako'y medyo busy na.

May nagbabasa ba nito?

Monday, May 3, 2010

STRIKE!!!

Ang INIT!


Kakaasar.

Buwisit ang mga jeepney na yan!!


















Ito ang naging problema ko ngayon'g araw na ito.

Ang mga jeepney driver na nag-strike dito sa may parte namin sa Cabuyao.

"I have to cut trips. THREE TIMES..." yan ang naging sagot ko sa TeleTech nung tinanong ako kung bakit ako na-late. Pirmahan pa man din yun ng kontrata ko for employment. Buti na lang mabait si Maam Sarah at hindi na ako dinakdakan pa. Si Maam Sarah ay isa sa mga HR Staff sa TeleTech maganda. Magaling magsalita. Mabait.
Hindi mo nga mapapansin yung kapansanan niya dahil binawi niyang lahat ng kakulangan niya sa kagandahan pa lang. Hindi pa siya niyan nag-sasalita at kung makinig mo, naku, laglag ang kung anu man ang malalaglag sa iyo. Sa akin, 'yung bag ko, nagulat ako noong tinawag niya ako eh. Napawi niya ang bagot at asar ko sa sinasabi ko'ng strike ng jeep. 

Biruin mo, mula dito sa Banay-Banay, nag-tricycle ako papuntang Cabuyao. 15. Mahal. Kung sa jeep, hanggang Robinson's Place na 'yun. Pero hindi eh. Buwisit talaga!
'Pag dating ko ng Cabuyao, antagal ko'ng naghintay ng tricycle ulet na masasakyan.
Punuan.
Siksikan.
Hindi makasingit kahit na ang bag ko.
"Boss, Complex?"
Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko.
Habal-habal pala.
Pinatulan ko na kesa naman sa ako'y ma-late pa.
Hindi ako matahimik sa sinakyan ko. Animo'y anumang oras ay may hihila sa akin at ihuhulog ako. Dalawa kaming sakay ng nasabing motor. Hindi ko naman mayakap sa bewang para humawak, nang maiwasan ko ang mabalian ng vertebrae. Lalaki kasi si Bossing eh. Dyahe.

Complex.
Sa wakas may jeep na. Taguan pa ang drama ng mga jeepney driver doon at iniiwasan na makita ng mga kapwa drayber. Baka daw isumbong. Tae mo, malutong!
Kung alam ko lang, sinasamantala lang niya kasi wala'ng masyadong kakompentensya ngayon.

Hindi ko rin maintindihan ang konsepto ng mga rally na yan.
Ano ba ang napapala nila sa kasisigaw at kakapukpok sa mga railings ng daan?
Tumitigas ba ang ice cap sa North Pole sa bawat salitang kanilang buong lakas na pinagsisigawan?
Nadadagdagan ba ang allowance ng mga estudyante sa mga kalampagan ng kaldero at sandok na kanilang pinaghahampasan?
Tumatangos ba ang iyong ilong sa bawat hakbang at takbon'g iyong pilit na tinatahak?

Meron akon'g nabasa mula sa "PAGSIBOL". Ito yung literary book ng mga estudyante sa pinag-aralan ko'ng unibersidad.
Hindi ko na madyadong maalala ang eksakto'ng nakasaad.
"...kung ako sa kanila uuwi na lang ako at magtatanim ng lettuce, carrots at ampalaya. Sisingitan ko pa ng marijuana sa pagitan. Ang punto ko, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapaunlad ang sarili at hindi umasa sa kung anuman ang isubo sa akin ng gobyerno..."
Tamaaa! Sabi nga ni Kris Aquino.

'Yung mga tao'ng naabala dahil sa pagrarally-rally'ng yan kadalasa'y mga working individuals. Ang oras na inabala mo sa kanila ay sapat na oras na upang makumpleto nila ang assigned work nila, makipag-meet sa clients, tapusin ang naudlot na pagpa-process, pumirma ng documents na kagabi pa hinihintay ng customer, mamalengke ng ipang-babaon ng anak kinabukasan at, wag na tayon'g lumayo pa, simple lang upang MAKAPAGTRABAHO ng maayos. Natapos na sana nila, nakadagdag na sana yung mga kikitain nila sa araw na yun sa kaban ng bayan. Pero hindi, ayun kayo at tumitingala, pawis na pawis, banat ang litid sa leeg para saan? Sa wala.


Sa tingin niyo ba pakikinggan kayo ng mga ulupong na yan?
Kung talaga'ng pakikinggan nila kayo, hindi niyo na kailangang mag-welga pa! May tainga kasi sila.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang mga taong nagsasagawa nito, ang sa akin lang, konsiderasyon na lang din sa mga taon'g naaabala ninyo.


"..wala lang!"

Search Amazon.com for Pinoy Comedy

Friday, April 30, 2010

k a b E

" 'TAE. . . .'

Napalingon ang tatlo sa kaibigan na noon lang nagsalita.

'Yun ang tawag sa akin nina Topak (mga Pulis) sa Headquarters.' "
-Quoted from MACARTHUR by Bob Ong
 Published by VISPRINT, Inc (c) 2007

Merong Matigas

Mahirap ilabas.
         May sakit ng bahagya.
                  Nakakapawis! Nakakapanganga!

Ito ang madalas na uri ng nilalabas ng mga kumakain ng hindi nginunguya. Animo'y sawa kung lumamon, wala ng ngata-ngata pa, diretso agad sa tiyang nagngangalit na ngunit hindi mo alam kung bakit. Kung sa ibinabagsak mo ba'ng buo-buon'g kanin'g bahaw at kamatis o dahil sa 'yun at 'yun na lang natutunaw niya. Wala na bang iba? 

O kaya'y langaw, marahil siguro sa wala silang mga ngipin kaya nilululon na lang ang mga butil ng basura at duming kaniyang nadadapuan.
Subo. Lunok. Tubig -- pampadulas. Subo. Lunok ulit. 
Wala ng nguya-nguya pa para hindi kaagad magutom. Bahala na si Batman kung magkabara-bara man sa bituka o kung mamalas-malasi'y mismong sa bukana ng lagusan patungo sa dako pa roon. Tinamaan ka ng lintik!

Maihahalintulad mo ito sa mga tao'ng kahit walang pinag-arala'y may matindi at matibay na paninindigan sa bulag at nagmamaang-maangan'g katotohanan. Akala mo'y si Bonifaciong ipinaglalaban ang kalayaan, yun nga lang hindi naman talaga nila alam kung sino o ano ba ang tama at mali bunsod ng kamang-mangan at kakulangan sa sapat na edukasyon. Taman'g dakdak at basag-ulo lang. Ang hirap pakitunguhan. Ang hirap ilabas. 

Parang pinupunit ang likuran, at kung may lumabas man daig pa nito ang sa mga ibon'g nagbabahay sa kisame ng mga simbahan. Huwag ka, blessing daw yun. Kaya kung mangyari man ito sa'yo. Huwag kang sakim! Share your blessings. Ipahid mo sa katabi mo.


Merong Malambot

Umpgh!
        Success!!

Isang kanyud mo lang, ayun na! Ayos na!
Lagitikan. Animo'y may nagpiprito ng fried chicken sa kapit-bahay. Kapit-bahay ba ang CR? 
Fried chicken ba ang . . . Uy! FRIED CHICKEN nga!

Ordinaryo.
Normal.
Ayos lang.
Wala lang.

Hindi mahirap ilabas, di kagaya nung nauna.
Madali lang. 3-5 minutes lang ang inilalagi ng mga may-ari nito sa trono. Hindi na kailangan'g maghahawak-hawak pa sa pader ng banyo, pero kung feel mo... bakit hindi?

May iban'g kumakanta-kanta at sumisipol-sipol pa.
"I want nobody, nobody but you. . .
I want nobody, nobody but. . . ugh. . . (plok!)
YOU!" 
Puwede pa palan'g gawing beat ng kanta e no? Paran'g DJ ka na, may kamot din.


Meron naman'g iba na sa sobrang lambot akala mo'y hangin lang pero kapag ibinuga mo na, ayun, may napasama pala ng pakupit. 'Yung iba nahiya pa at nagsibalikan. Sa susunod na lang daw. Ikaw naman, butil-butil na ang pawis sa kahihiyan dahil may tumunog at umalingasaw, gabi pa man din. Lilinga-linga ka pa. Maghahanap pa ng makakasalba, e, nag-iisa ka lang diyang nakaupo sa tabi ng drayber, wala pa siya at nagtatawag ng pasahero'ng makiki-share sa hangin'g ineenjoy ngayon ng mga kawawang pasaheron'g nakaupo sa likuran.

Kung ako sa'yo, bababa na lang ako't mag-aastan'g may nakalimutang bilhin sa botika. Pampers.


Merong Tuwid
Merong Kulot

Akala mo'y buhok.
    Straight o wavy.
         Kano o Ita.
              Rebond o.... Kulot!
Paran'g clay-doh!
Nakapaglaro ka na ba ng clay-doh? Ganda no?
Galing. Enjoy ako sa paglalaro nun noong kabataan ko pa. Madalas kon'g pag-tripan si nanay. Magbibilog ako ng dilaw na clay-doh gamit ang palad ko na noo'y nangingitim pa sa alikabok na ipinandapa ko sa luksong-baka, ako kasi ang taya. Papaikutin ko iyon at irorolyo na parang noodles ng 'pageti (tawag ko sa spaghetti noong bata pa ako. Ngayon nama'y budget meal sa Jollibee). Ilalagay ko sa ibabaw ng lamesan'g amin'g kinakainan at bubuhusan ko ng tinunaw na choc-o-bot gamit ang laway ko na may bangis ang amoy dahil sa hindi pagto-tooth brush mula pagkagising. Instant scent na rin para sa akin'g obra.
Iiwanan ko iyon at hihintayin ang pagdating ng pobre ko'ng nanay mula sa kaniyang pinagdasalan'g pamilya na naulila ng anak na naaksidente dahil sa pagbibisikleta.

Hindi ko rin ma-irok ang konsepto ng mga magdadasal na kagaya ng ina ko. Bakit kailangang sila pa?
Tinatahak ang daan patungo sa bahay namin upang magpa-reserve ng slot sa nanay ko'ng box-office sa mga ganiyang gawain. Tapos maghihintay pa sila sa ina ko'ng, dahil na rin sa haba ng buhok, ay milenyo ang inaabot sa pagligo at dekada naman sa pagsusuklay... PA LANG! Isama mo pa diyan ang pagpapatuyo ng buhok, ng katawan, pagbibihis at walang kamatayan'g panunuklay gamit ang trident ata yun ni Poseidon. Kung ako sa kanila, 'yung inilakad ko at itinambay sa bahay ng sinusundong manda-dasal, ay sapat na oras na upang ako na mismo ang manalangin para sa kaluluwa ng aking namatay na kamag-anak at siguro'y maisisingit ko pa na sana'y mapanot ang ulo ng matandang ito. Joke. 
Ganon lang naman 'yun diba? Kung kaya mo nang abutin ang pitaka ng ama mo na nakapatong sa ibabaw ng tukador, bakit kailangan mo pa'ng tawagin ang kapatid mo na mas maliit pa sa'yo upang kunin ito at kontratahin'g hati na lang kayo sa kung magkano man ang makukulimbat ninyo. Gumamit ka na lang ng bangkito. Tamad.

"Pesteng pusa ito! Sa lamesa pa nagkalat!"
Nagpapalakpakan ang mga plema ko sa lalamunan habang humahagalpak sa katatawa dahil sa ingat na ingat na pagdakot ng dust pan ni nanay sa "kalat" ng pusa. Napeste pa.

Merong Buo

Mahaba.

Akala mo'y makina na gumagawa ng hotdog. Walang putol.
BUO.

Madalas ay may katigasan ng kaunti na kailangan upang ma-achieve ang kaniyang "perfect shape". Perfect shape? 
Dapat ba na hugis bilog o bilo-haba o baka naman ay puso-puso o hugis star na may flower-flower pa.

Meron naman'g sobrang buo, isang tumpok ang unang labas sa unang iri pa lang. Lupet!

Wala ako'ng masiyadong masabi sa topic na ito.
Lipat tayo.

Merong Durog

Nakakasuyang pagmasdan.
       Karimarimarim!
            Nakasusulasok pati ang amoy!
                 Itim. Brown.
                       Kadalasa'y manilaw-nilaw.


Pati tunog ay di rin kanais-nais. Nakakahiya kung sa mall mo ito nagawa at may tao sa katabi mong cubicle. Aakalaing may maintenance at nagmamaso ng tiles ng banyo. Dyahe!
Idagdag mo pa ang maaamoy nila kasabay ng tunog ng jackhammer mo'ng puwitan. Kulang na lang ang sticker ng MetroGuwapo at animo'y bulok na basura naman ang simoy ng hangin sa loob ng CR.

Ganito ang madalas na senaryo sa mga palikuran ng taong nakaka-experience ng ganitong panyayari sa katawan nila. Hindi maganda ang pakiramdam ng mayroon nito parang laging merong lalabas kahit wala naman.


Madako tayo sa madala na mga components nito.
Kapag ang iyong tinira ay 'yung hindi kilala ng nagsesen-sensitiban mo'ng tiyan, sure na ang kalalabsan nito.
Kadalasa'y kapag napasobra ang kain mo ng isaw-isaw, Betamax, Adidas at kung anu-ano pang healthy (para sa mga langaw) na pagkain. Maitim na parang burak ang ilalabas mo sa katawan. Nangyari na to sa akin, lintik pati ang amoy. Burak na burak. Kaaduwa. Para sa mga kumakain ngayon habang nagbabasa nito, pasensiya na. Hindi niyo ba nakita yung picture sa pinakaunang bahagi ng post na ito? Warning Sign na yun.


At Merong mga T**ng hindi Malubog-lubog

Ito yung parang si McArthur, "I shall return!".
Nakakailang flush at buhos ka na, aba'y sisilip muna, wari mo'y nakikiramdam, at kung hindi ka na nakatingin ay saka lalabas at magpapalutang-lutang sa inidoro mon'g barado na naman ata. Hindi ko alam kung ito'y isang uri nga ba ng binabanggit ko o ito'y isa lamang phenomenon sa lahi ng mga inidoro. 

Makulit. Kakainis.

Animo'y mga pulitiko'ng pabulwak-bulwak sa telebisyon at nangangampanya'ng sila'y iboto. Gumagamit pa ng pang-awa na "sila" daw ay katulad mo din kaya nararamdaman niya ang kung anuman ang iyong nararamdaman sa ngayon.
Gutom ka din? Bagaman! Andami ng iyong subdibisyon at mansiyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas at mundo, ni tuyo hindi ka rin makakakain? Lokohin mo lelang mo'ng panot!

"...'Sino ba?' " 


The Best of Pinoy Jokes

Wednesday, April 28, 2010

Eksibit sa Santa Rosa!

Hindi ko inaasahan ang makakabulag sa aking mata.

Isang  napakagandang likhang sining mula sa tipa ng mga pagod na kamay.

Kumbaga'y... nagpapaka-makata lang!

N anggaling kami sa SM CITY Sta. Rosa, kani-kanina lang. Eto kasing pinsan ko kelangan daw niyang bumili ng gagamitin niya sa pagdo-drawing. Magaling mag-drawing yun at mag-paint. 'Tamo minsan, kikuwento ko sa inyo yung mga naidrawing na noon. Nag-hehenna din siya, tinattoo-an niya nga ako eh. Sa susunod ko na lang ipopost yung tinattoo niya sa akin. Basta... hanggang ngayon ay may bakas pa nga ng henna ang aking likuran -- sa likod kasi ako nagpa-tattoo sa kaniya.

Mabalik tayo sa tunay na pakay neto.
(Asan na nga ba ako?)
Nagpasama sa akin ang aking pinsan upang bumili ng kaniyang mga gagamitin sa kaniyang gagawing portrait. Noong una hindi sana ako napapaibig, pero nung mabuwisit ako sa bahay na tinutuluyan ko. Sumama na ako. Sa ibang araw ko na rin ikukuwento ang mga pangyayaring iyon sa masalimuot na mundo ko sa bahay na yun.

--andaming paliguy-ligoy.
Eto na nga. Napadaan kami sa isang Art Exhibit, at dahil yung pinsan ko e isa ring artist at ako naman ay frustrated na maging isa sa kanila pero wala namang ibubuga, pumasok kami at nagmasid-masid ng pakupit. 

Mga likhang sining mula sa mga "budding artists" ng Laguna at malamang (siguro) ay kalapit-bayan.. ("budding" ha... hindi "bading"). Hindi ko inaasahan ang aking nakita... isang napakalaking tao!


Hehe. Parang welcoming committee ata yan dun.

Narito ang ilan sa mga pintang nakasabit at naka-deespley sa eksibiit na yun:
















Inyo nang pagpasensiyahan kung ang kuha ng aking litrato ay medyo may kaguluhan, hindi talaga ako siguro pinanganak upang maging potographer.

Merong isang painting doon na talaga namang tumatak sa aking isip at, kumbagay, sabi nga nila "one that moved me...".


 
Third Honorable Mention lang siya, pero gusto ko kung paano nagamit ng artist yung kulay ng likha upang maiparating ang damdamin ng kaniyang obra. Kung inyong nakikita isa siyang babae, (hindi ko masasabing ina dahil puwedeng kapit-bahay lamang pala yan, nag-alaga lang ng anak ng iba kasi mamalengke...) na may hawak na tatlong sanggol na wari'y mga parasitikong inuubos ang gatas at balat ng kawawang babaeng eto. 

Bagay na bagay siya sa panahong eto, kung kelan mahirap ang buhay at halos lahat ay naghihikahos (maliban na lamang siguro kay Willie! Namimigay pa nga ng pera...). Animo'y isang metaporika nang realidad na ating kinasasadlakan ngayon.

...'kala mo kung sinong manunulat, 3.0 naman sa History!

Monday, April 26, 2010

Bakit kaya "sila" dumadami?...

Kakagulat!
Sobrang hindi ko inaasahan.
Pero ekspekted ko na rin kahit konti.

May kaklase ako nung college na hindi ko na sasabihin kung anung pangalan. Kakahiya eh.
Atska baka pati binabasa niya eto!! (Takot??)

Noon parang alam ko na na "out" siya pero siguro nahihiya lang kaming sabihin kasi baka maoffend siya. Naisip ko lang na i-blog siya kasi nakakatuwa kung iisipin mo.

Hindi naman kasi sila nanganganak pero dumadami, ano kaya ang dahilan nito, sabi daw sa pagaaral dulot daw yan ng environment na ating ginagalawan, sabi naman sa social sciences dahil daw ito sa society na kinamulatan natin. Kung anu pa man yun.. bahala na lang kayo mag isip kung bakit at paano.

Eto nga'ng kaibigan ko, nagtext siya sa akin isang gabi.. wala lang kwentu-kwentuhan lang. Tapos nag-reply siya dun sa last text ko na "kung malaman mo na may partner na ako. sa tingin mo?" basta parang ganoon, pero hindi, pero iyu't iyon din ang tinutukoy. Sabi ko "bakit naman? e di congrats!" diba ang layo ng sagot.. hehe. Tapos sabi niya "paano kung sabihin ko sayo'ng lalaki siya. Magbabago ba tingin mo sa akin??" siyempre ako may kaunting gulat pero sabi ko "hindi. bakit naman?" nagulat lang naman ako. Hindi ko naman siya agad nai-judge. Kayo, malilikot ang isip. So yun, sinabi niya sa akin ung pangalan ng boyfriend niya, i-search ko daw sa facebook. Kinabukasan, sinearch nga ng mokong, nakita ko... M*****J*** T****L (ayaw ko din sabihin pangalan ng bf niya, for protection at privacy na rin) Pagka-kita ko, wow! Guwapo! Hindi mo rin aakalain na "out" siya.

Tapos ka-chat ko yung clasmate kong yun kani-kanina lang eto pa nga o...


Natutuwa naman ako at nagtitiwala talaga siya sa akin. Ako naman medyo pressured na hindi ipagsabi.. kita niyo naman may mga takip yan ng pula.

Eto lang ang masasabi ko:

Kahit anu pa man, it is not right putting labels into one another. 
At sana huwag tayo'ng manghusga sa kapwa.. basta ako, tanggap ko ang kaibigan ko. Nakakagulat lang pero nevertheless masaya ako para sa kanila.

Parang wala naman napuntahan etong post na eto!!

Sinungaling! Wag na yan!

Tanong ko lang??

Sino iboboto ninyo sa susunod na eleksiyon?


Hindi pa nga ako makapag-desayd.


Ngunit meron na ako'ng napupusuan.
Nakakapagtaka ang mga kandidato ngaung mga panahon'g eto. Hindi ba nila alam na sobrang hirap ang papasukin nila. Hindi lang hirap, andiyan din ang mga kaguluhan at kung anu-ano pa'ng mga kabulastugan. Minsan napapaisip ako, ano kaya ang kanilang "agenda" at gusto nilang magserbisyo sa ating bayan at maluklok sa isang napakataas na posisyon. PRESIDENTE! (AWOOOOHHH...)
Nakakatakot! Nakakakaba! Nakakabaliw kung iisipin mo ang mga dapat mo'ng gawin.
Don't get me wrong, I'm not cynical. Pero nakakapagisip lang talaga.

~

Madako tayo sa mga tatakbo'ng mga presidente ngayon. Meron'g isa diyan na hinding-hindi ko talaga gusto. Yung "namatayan ng kapatid", "lumangoy sa dagat ng basura" at "babalik na lang sa pagka-negosyante". Itago na lang natin sa pangalang SENATOR MANUEL VILLAR.
Yung C5, yung tunay na tuta daw ng administrasyon. Maaring marami sa inyo ang magalit sa akin sa mga isusulat ko pero ako'y walang pakialam sa inyo. Nagpapahayag lang ng nagaapoy na damdamin. Kaya ninyo yan! Inyo lang ipagpaumanhin ang natipa ng aking mga daliri sa kapirasong teknolohiyang ito na naarok ng aking malikot na kaisipan.

Si "Manny", sino ba siya. Narito ang profile ng kandidatong eto sa pagka-presidente:

Born December 13, 1949 (1949-12-13) (age 60)
Tondo, Manila, Philippines
Birth name Manuel Bamba Villar, Jr.
Nationality Filipino
Political party Nacionalista (2003-present)
Independent (2000-2003)
LAMMP (1998-2000)
Lakas-NUCD (1992-1998)
Spouse(s) Cynthia Villar
Children Manuel Paolo Villar III
Mark Villar
Camille Linda Villar
Residence Las Piñas City, Metro Manila
Alma mater University of the Philippines
Occupation Businessperson; Politician
Profession Businessperson; Politician
Religion Roman Catholicis
Incumbent
Assumed office 
June 30, 2001

In office
July 24, 2006 – November 17, 2008
Preceded by Franklin Drilon
Succeeded by Juan Ponce Enrile   

Yan! That much we know... yet.

Narito naman ang kaniyang mga nagawa.
Sa totoo lang, wala pala ako'ng pakialam sa kaniyang mga nagawa.

Diba't marami na siyang nasabi na kesyo, galing din "daw" sila sa hirap, nakatira sa Tondo, na nakaligo na daw siya sa dagat ng basura, na nagpasko na daw siya sa gitna ng kalsada.. (yan ang tanong namin, tunay ka bang isa sa'min...). Alam ba ninyo na may sinabi siya na talagang akala mo'y totoo ngunit tayo pala'y agad na niyang naloko. Eto ang isang artikulo;

“Nakaranas na ba kayong … mamatayan ng kapatid dahil wala kang pera pangpagamot (Have you experienced losing a brother because you did not have the money to provide him proper medical care)? — Manny Villar asked in his “PANATA (Advocacy)” TV commercial. Villar was referring to his younger brother Danny who passed away on October 1962. In the same commercial, Villar’s 1962 photo with his younger brother was shown.
This portrayal of being poor once upon a time is a fantasy which comes in a series of similar attempts by Villar to create empathy with the nearly 90% of voters who belong to the socio-economic classes D and E. However, this particular attempt to use his late brother Danny to further his political ambition showed that Villar is as capable of lying just like Madame Gloria Macapagal Arroyo (GMA).
Two public documents — the death certificate of Danny B. Villar and the Transfer Certificate of Title (TCT number: 135396/3194) of the 560 square meter property in the upper class San Rafael Village of Navotas where the Villars had lived when Danny died — shattered this ONCE POOR fantasy that Villar has been peddling.
What the San Rafael Village TCT presents:
1. Before 1962, the Villars bought 560 square meters (SQM) of high valued real estate on Bernardo Street in San Rafael Village where the more affluent folks in the Tondo-Navotas area resided.
2. The DEATH CERTIFICATE of the deceased Danny B. Villar established that they were already residing there in 1962.
3. Based on 2009 prices, the P16,000 GSIS (Government Service Insurance System) mortgage mentioned in the TCT — not necessarily the total cost of the two 280 SQM lots — is now the equivalent of P1,140,000.00. Poor people today cannot even borrow P200,000. Those who are familiar with the subdivision say that the cost per SQM in San Rafael Village today would be around P10,000 per SQM or an equivalent of around P5,600,000 for the entire property.
4. Jun Borres, the present owner who is using the 560 SQM property as offices of his firm, Jumbo Fishing, stated that when they bought it in 1987 – it had a one and a half floor house. The ground floor was made of concrete while the upstairs was made of wood. This was typical upper middle class and upper class dwelling in the 1960s.
Implications of the San Rafael Village ownership
1. Together with established Manny Villar bio information, they could not have been dirt poor to be able to move to San Rafael Village before 1962. His mother was a seafood (shrimp, crab and fish) dealer in Divisoria Market, not a fish vendor as what Villar tries to project. A seafood dealer supplies the vendors. For a family of 11, they ate canned corned beef — which Manny Villar admitted on his earlier TV ad. His father was a government official, said to be a Budget Officer of the then DANR (Department of Agriculture and Natural Resources) under which was the Fisheries Bureau. Manny Villar studied in private schools — the Holy Child Catholic School for elementary and Mapua Institute of Technology for High School. Poor folks send their kids to public schools.
2. Villar’s parents must have had a sizeable combined income to be able to buy the San Rafael Village property. The 560 SQM size demonstrates their financial capacity. If they could, poor people buy lots sized less than 100 SQMs. Villar’s father must also be making a sizeable income from the government to be able to borrow P16,000 from the GSIS. In 1962, senior executives in big corporations made monthly salaries of about P2,000.
What Danny B. Villar’s DEATH CERTIFICATE reveals:
1. It is NOT TRUE that Danny died because they were poor and could not afford proper health care. The stated residence in Danny’s death certificate was the San Rafael Village property.
2. The BIG LIE is further proved by the fact that Danny stayed 13 days at the FEU (Far Eastern University) Hospital where he expired at age 3 years and 8 months. If they were really poor, the PGH (Philippine General Hospital) would have been the affordable hospital to bring Danny. He was definitely given proper health care. FEU Hospital was one of the top hospitals in 1962, before the establishment of the Makati Medical Center and St. Luke’s Hospital.
3. Danny died from CARDIAC and RESPIRATORY FAILURE resulting from COMPLICATIONS OF LEUKEMIA. In 1962, there was no bone marrow transplantation and chemotherapy yet and everyone whether rich or poor died from contracting leukemia.
4. Upon Danny’s death, his remains were turned over to LA FUNERARIA PAZ — then, until now, considered one of the top two mortuaries (Funeraria Nacional, the other). This further disproved Manny Villar’s claim that Danny died because they did not have the money to take care of him.
When Iggy Arroyo was seen as having taken the Jose Pidal rap for his elder brother Mike, many folks felt that it was rather low of Mike Arroyo to place his younger brother at risk. Our culture expects the older brother to protect the younger brother.
In that regard, we can consider Manny Villar as having done worse than Mike Arroyo. At least, Iggy Arroyo was alive and kicking and he could have opted to stay out of the Jose Pidal controversy. But in the case of Manny and Danny Villar, Danny was used to promote a myth when Danny was in no position to agree to his elder brother Manny’s portrayal of his death.
With the propagation of this ONCE POOR fantasy, don’t you think that Manny Villar also desecrated the memory and honor of his parents who strove to be able to provide their children quality education and an upper class domicile?
If Manny Villar can lie and use his dead younger brother like this, what makes you think that he will really improve and not worsen your life? What makes you think that he is not as greedy as he is being charged in this presidential campaign? What makes you think that you can trust Manny Villar?

Ito ba ang nais nating mamuno sa ating bayan?
Political Ads pa lang eh, huli mo na.
Diba sabi nga, ang kaunaunahang batas sa pagsisinungaling e...
Huwag na Huwag kang PAHUHULI!

TODAS KA NGAUN!!

excerpt from:

http://en.wikipedia.org/wiki/Manny_Villar

and

How Manny Villar lied and used the death of his brother Danny
AS I WRECK THIS CHAIR
by William M Esposo
The Philippine Star
Mar 28, 2010 
 
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=562010&publicationSubCategoryId=64